bigyan mo ng liwanag yaring aming kaisipan
payo mo'y magsilbing huwaran sa aming mga hakbang
panasin ang kadiliman na sa aming gunita ay nakahimlay
pawiin ang pagaalinlangan sa aming pusot isipan
sa aming pakikidigma kulang ang karanasan
dayuhang bihasa kami ay pilit pinupuksa
ang aming tanging paraan upang kahit papaanoy lumaban
ikubli ang ang mga sundalo at itago ang kayamanan
itoy di natin nais ngunit sila ang nagpasya
digmaa'y magsisimula pagsapit ng gabi
ngunit walang uurung itoy aming sinalita
sa pusoy nagmula, kasama ang aming diwa